Patches ng misery sa The Kid With a Bike


Ang sinasabi ng The Kid With a Bike, sa basa ko ay ito: miserable ng buhay ng tao, universal na tao, bata man o matanda, babae man o lalaki. Kaya sa huli, kelangan mo ng uuwian, kakuwentuhan bago magpahinga, o habang nakatingin sa kisame na bahay, bago pikitan ang araw. Tapos, malinis ang mga kalsada ng French-speaking world, o maaaring iyong lang ang piniling ipakita ng camera. Bawat pagpili, may kahulugan, may implikasyon sa mundo, may sinasabi tungkol sa atin. At totoong may something sa tunog ng French. Hindi exactly romantic, kund hindi parang sweet, parang nanghahalina, pero natural lang, hindi yung inneffortan masyado. Panghuli, hindi totoong may fin on ending ang mga pelikula, dahil humihinga pa rin ang sankgatauhan, at kurtina lang ang credits.

Maraming kwento sa universe. Kung sa unang tingin, ang kwento ni Cyril, classic na kwento ng paghahanap, enduring na tema ng mga kwento, visual man o text. Pero sinubukang magsabi ng iba pa: halimbawa, paano magpersist sa harap ng hindi pagtutugma ng mundo at nga mga inaasam, kahit bike lang ang sinasakyan mo. At may tipikal na plea sa puso: paniwalaan natin, may kabaitan sa mundo, may mga gustong tumulong, may mga gustong sumama.

Hindi nagpakita ng balat ang pelikula, o ng fireworks display nung patapos na, o ng kissing scene, tender man o erotic; wala ring outstanding na pagligtas ng bida sa mga mahal nya, walang sumasabog na kotse, o dugong exaggerated ang kapal sa ospital o sa condo. Ang pinakita ng The Kid With a Bike, parang slice of life lamang ng isang batang iniwan ng tatay at sinamahan ng isang hairdresser. Parang tenet ng Italian Neorealism: patches lang, walang bongga o highfalutin na narratives, halimbawa, kung paanong makakamtan ang kalayaan, o hustisya, kung paano man naiiintindihan yung mga salitang yun. Ganito dapat, dahil mas malapit ito sa pang-araw-araw nating pakikipagtunggali sa kalikasan at sa lipunang madalas nililimitahan tayo. Gagamitin ka para magnakaw ng pera, matutukso ka, papabayaan ka ng tatay mo, dahil sigruo duwag lang siya at iresponsable, bubugbugin ka ng anak ng ninakawan mo.

Kaya bigla na lang nag-signal ng katapusan ang pelikula. Akala natin kung napaano si Cyril nung nahulog siya mula sa taas ng puno, pero ilang sandali lang, nagkamalay na rin, tangan na uli ang bike, humihinga na uli, buhay na uli. Marami pang buhay, bawal mag-sakit-sakitan.

Cyril Leaving
Advertisements

Prick my mind:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s