Kung may nagbabasa pa ba ng tula ngayon, (kung tula man ito; bakit ang haba ng title? Bakit ganito ang title? Ano ang title?) kahit i-post mo sa Facebook, at maraming masakit na katotohanang madalas natin pinipikitan



*This poem first appeared in my Facebook profile. These times are hard for poets to make sense, so… here is what I offer.

Magsimula tayo dito:

Paano palalayain ang diwa

Kung nakatameme, natameme ka sa

Mapagpanggap na parihabang mundo. (1)

 

(1)

Halimbawa, gaano katotoo ang mga tao sa Facebook,

O ang “Five Reasons to stay happy while being Single”

ng Yahoo Philippines.

Ang “Kaprangkahan” ni Boy sa The Buzz,

o “Kabayanihan” ni Pacquiao,

o “Tuwid na Daan” ni Pnoy,

Ang litany ng Derrida tungkol dito – “ ”

ang mga salita sa tulang ito.

 

Dati, lumabas ako sa highway

Marami ring nagpapanggap sa Cubao:

May tatlumpu, o limampung palampag

ang mga gusali.

Sa ilalim, may tatlongdaan, o limangdaang

mga pamilyang nakaratay sa kahon tuwing gabi.

 

Napadaan ako sa La Union sandali:

May mga nakikipagsapalaran

para sa barya-baryang bangus, o tilapya

Mahirap ang huli kung walang

maayos na kagamitan.

May mga nagkakape sa Starbucks

Sa kung saang mall.

Nagtataka sila kung bakit “Third World” ang Pilipinas.(Akala ko, “It’s more fun”)

Alam kaya nila na may pulubi

At pokpok sa Cubao?

At araw-araw pinapatay ang mga magsasasaka sa Mindanao?

 

 

2.

Sa langit ba natutulog si Lucio Tan?

Kung nakakulambo at electric fan ka sa malamok

mong suburban na bahay,

hindi mo ‘yan masasagot.

Una: lupa.

Pangalawa: posisyon sa gubyerno.

Pangatlo: negosyo – malaking negosyo.

Wala ako ng kahit ano diyan.

Meron lang akong mg salita.

At maraming kwento.

 

(Huli.)

‘Wag maniwala sa mga kuwento,

Parang sabi ni Lyotard.

Lahat sila nagbabalat-kayong totoo,

Parang version ni Foucault.

(nakakatuwa kung paano tayo umaasa sa “parang,”

Marami tayong hindi alam.

Pero sa mga nasa tabi ng riles ng tren,

O nagbibilad sa araw para makakain,

Walang “parang” pag sinasabing

“Mahirap ang buhay.”)

Ayaw ng mga followers ni Marx

sa poststructuralism.

Pero minsan, convenient silang gamitin.

 

Wala akong pakialam sa tula ko.

Wala silang pakialam sa tula ko.

Wala kaming makain,

Wala tayong makain.

Wala tayong trabaho,

Wala tayong tirahan.

Magkakapatayan na tayo.

 

Advertisements

2 Comments

Prick my mind:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s