Kultura at Sining Lampas sa Sentro: Better Living Through Xeroxography 8 sa Baguio*


Pinagpapawisan na ba sa kaba ang tinatawag na ‘mainstream publishing’ o mainstream literature – mga kabit sa mga institusyon tulad ng akademya, mga pangunahing publishing house sa bansa at generally iba pang institusyon ng estado na siyang nagbibigay approval sa kung anu-ano ang pwedeng ilathala – habang umuusbong na ang mga umaalternatibo rito tulad ng tinatawag namang ‘independent’ o ‘self’ publishing? Or to begin with, dapat ba silang kabahan? Inaaway ba ng huli ang una; inaangalan ba ng independent o self publishing ang mianstream publishing?

BLTX Baguio

Sa April 25, sa Yagam Cafe, gaganapin ang ika-walong edisyon ng Better Living Through Xeroxography (BLTX). Pangalawang edisyon na ito ng BLTX sa labas ng “comfort zone” nitong “Cubao/QC/Metro Manila” area. Earlier this year, nagpunta na silang Davao. Nagkakalat na sila ng mga punla para sa ibang uri ng artistic practice, kaiba sa moda ng artistic production na talamak sa nakaraang mga dekada, moda ng artistic production na nakatuon sa “self-perpetuation” at “self-aggrandizement” (2015) ng mga nagsasagawa nito.

Sabi sa isang “brief” patungkol sa BLTX na matatagpuan sa medium.com, walang kurap sigurong pinangalan ang mga hinihindian at sinusubukang lampasan ng initiative na ito: ang “padrino system” at mga limitasyon ng “state support” sa paglikha at paglalabas ng sining.

Limiting conditions ang mga ito at arguably sumasagka sa pag-usbong ng mga bagong uri/moda pa sana ng artistic production. Sumasagka rin ito sa pag-welcome ng mga bagong boses, mga bagong manlilikha na makatutulong sana upang gawing mas diverse, gawing mas nakakagulat ang mga lumalabas na gawang-sining sa isang community, o kung di man sa buong bansa. Sa gayon, ang initiative na BLTX  ay nakaaambag upang palawakin at pakapalin pa ang layers ng sining sa bansa hindi lang in terms of production kundi in terms of audience. Pwede itong makatulong sa pag-iinvigorate sa inaantok na lagay ng sining at pagpapalapad ng kulturang umiikot kay Kris Aquino, sa latest Youtube sensation o Wattpad. Sa gayon, magkakaroon ng mas maraming venue para sa kultural na pagtangkilik at pwede rin eventually, sa pagmumuni-muni una sa mga ganitong kultural na bagay at susunod sa lipunang kinapapalooban ng mga ito.

Isang community ang nais buuin ng BLTX – isang mas malawak na community ng mga manlilikha ng sining, cultural workers at ng kanilang mga tagabasa at tagatangkilik. Allergic ang communtiy na ito sa pagka-tengga, sa pagkakapako; naglalaway ito sa paggalaw at paglago. Kaya ang “participants” sa community na ito ay hindi lang ang mga tagabenta o mga gumawa ng cultural products tulad ng do-it-yourself na folio o collection ng drawings. Participants din ang buyers, yung general audience hanggang sa susunod pwedeng maging sellers na rin sila gaya nga ng sinabi sa brief patungkol sa BLTX. Kung gayon, hindi makitid ang mga kategorya, hindi magkahiwalay. Paano ito nagaganap?: sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga kuro-kuro at pananaw, pagbabahagian ng mga ideya o suhestyon. Pwedeng mangyari ito sa activities tulad ng fora o roundtable discussions na may semblance ng formality; pwede ring semi-random lang habang nagba-browse ng mga naka-display na akda.

Malay ang BLTX sa “potential pitfall of ending up as closed a circuit as the systems it’s trying to topple” (2015) na binanggit rin nila sa kanilang brief. Kaya naman ang tingin ko, kailangang buhayin ang ideya na kailangang laging umiindayog ang community na ito, hence, lagi sanang papalabas, naghahanap ng mga bagong ideya, bagong makakasama, bagong makakabalitatakan, bagong artists at cultural workers.

Ngayon, isang isyu na maaaring i-bring up ng iba: paano ang usapin ng ‘value’ o ng standards na pagaganahin sa pagbabasa ng isang cultural product, say panitikan, o drawing, o tugtog? Kapag dumami masyado ang mga gumagawa ng sining o naging cultural worker, paano pa matutukoy ang mga maganda o effective o insightful na mga akda? Sabi nga ni Marjorie Perloff sa isang panayam with Front Porch Magazine, “I do, however, worry about the sheer information glut. …it’s too easy to get published somehow” (2013, 219). Maituturing ba na parallel ang epekto ng internet sa epekto ng small-press endorsement ng BLTX: that is, i-boost ang quantity ng mga cultural (artistic/literary) production nang nasasakripisyo na sa isang banda ang usapin ng kalidad ng mga ito? Gumawa lang ako ng blog sa wordpress, pwede na akong mag-‘publish’ ng tula. Mag-print lang ako ng ilang kopya ng mga akda ko tapos i-compile at i-stapler, meron na akong published work. Masalimuot ang usapin ng ‘valuation’ o ‘quality’ pero ‘di dapat dahilan ito para ‘di na siya pag-usapan. Mula uli sa brief tungkol sa BLTX, sinabi nilang nanggagaling sila sa “notion that there is no one way to practice art” (2015). Ibig sabihin, walang singular na magandang pamamaraan ng paggawa ng sining o kultura, walang iisang batayan ng magandang sining o kultural na likha. Pero hindi rin naman dapat ito mag-lapse sa kung anong free-for-all type of aesthetics at cultural practice kung saan lahat na lang ay acceptable, lahat na lang ay maganda na at ‘di na pwedeng paghusayin pa.

Tingin ko, ‘pag napapadpad na sa usapin ng value o quality, mahalagang magsimula sa similarities kesa differences. Sa kaso ng BLTX, siguro ito: pag-ayaw at pagtalikod o pagka-esta-puwera sa dominant na sistema ng literary at cultural production na as abovesaid, mainly state-sponsored or –dependent. Ayaw namin diyan, exclusivist, too hermetic, nakakapatay ng aestheic o cultural development, not to say personal kong aesthetics; ayaw kong maki-ayon sa standards nila. – or anything to those effects. At sa similarity na ito, may venue para sa pagsasama-sama na binibigay ang BLTX. Pero hindi pa rin homegenous ang community na ito, may iba’t-ibang peceptions at kinikilingan o moda ng paglikha ang bawat sumisilip o pumapasok sa community – seller man o nagmamasid lang. Hindi rin static ang community, precisely dahil nga sa discussions, palitan ng mga akda at iba pang activites na nilalahukan ng iba’-ibang participants na makatutulong sa pagpapaunlad hindi lang ng kanya-kanyang pag-iisip tungkol sa artisitic production at mismong paggawa nito kundi hindi pati na rin ng kabuuang thrust, disenyo at larga ng BLTX. Sa ganitong proseso, nagbabago rin, lumalago rin ang values at direksyon ng artistic production ng bawat kalahok at marahil ng BLTX rin mismo.

At kung may ganitong venues para sa artists at cultural workers, maganda na ring i-maximize. Ang dami pang pwedeng ikalawak at ikalapad ng cultural products sa bansa. Sampung dakot na kalawakan pa ang pumipintig sa labas ng tuldok ng mga museo at mga tagapangasiwa raw ng sining at kultura galing sa estado.

*Lumabas na rin ito sa April 12 isyu ng Northern Dispatch

Works Cited:

Front Porch Magazine. Interview with Marjorie Perloff. In Poetics in a New Key: Interviews and Essays. Edited by David Jonathan Bayot. (2013). Manila: De La Salle University Publishing House.

Swimini Titi. 2015. Better Living Through Xeroxography — a brief towards a more sustainable publishing industry. Accessed: April 09, 2015. Available at: https://medium.com/@SwiminiTiti/better-living-through-xeroxography-a-brief-towards-a-more-sustainable-publishing-industry-64b5c7f5f0ec.

Advertisements