Pasiklaban,Pagiging Awed by Lanterns at Pagngawngaw bilang Iskolar ng Bayan


Ang araw ng Pasiklaban ay paanyaya sa prettiness sa marami nitong posibleng anyo: panahon ng pretty clothes dahil Chirstmas Party ito ng UP community, pahinga sa academic work dahil pinalitan na ng party mode ang paper mode – sa panahon namin, i.e. pre-calendar shift panahon, na November to March pa ang second sem, implicitly marked ang pre-Christmas break period bilang panahon para sa unang set ng paper requirements o exams; ngayon, mas conclusive na ang dating, mas solid na sighs of relief na ang binubuntong-hininga dahil sarado na talaga ang sem pagdating ng Pasik; panahon din ng samu’t-sari at sort of vague kinds of camaraderie. Overall, prettified – reified rin? — ang mga bagay dahil nga Pasko spirit, Pasik spirit, party spirit. Mga Professor na kinatatakutan o tinitingala, nagiging Snow White o Men in Black tuwing Pasik, o di kaya sasayaw sa Wrecking Ball o Livin La Vida Loca. Mga orgmates na kinukulit para sa room reservations o update sa activities, magiging merry people na kahanay habang naglalakad sa Session Road.

Ang Pasiklaban ay panahon ng pagpapasiklab (usually natatabunan na Pasiklaban also goes by the name “Lantern Parade,” so, may mga pinagpagurang lantern na ipaparada), pagsiklab (Tapos na ang sem!), pag-a-unleash ng kung ano-anong mga moda – getting together, sharing etcetera — na parang mahirap gawin nang hindi informed ng good vibes ek ek ng Christmas season.

Sa larger context ng siyudad, ang Pasiklaban ng UP Baguio ay pasok sa napakaraming proyekto ng claiming ng space na ginagawa ng maraming organization o institution tuwing Pasko season. Madalas ay sanctioned ng local government, kasama pa nga sa “official” Holiday activities chenes ng local government, na keribels naman actually. Nasa calendar of activities ang activity mo, at pag nagkumpulan ang unting tao para panoorin ang activity mo, pwedeng biglang may mga sisigaw ng “Education Budget, dagdagan dagdagan! Military budget, kaltasan, kaltasan.”

Sa experiences ko ng Pasik, ito ang dominant spirit na kumukulob sa seemingly simpleng pyesta-pyesta, parade-parade, cheery-cheery atmosphere. Siguro dahil kadikit ko lagi ang Outcrop people, student publication na di rin reserved pagdating sa pagsigaw-sigaw, paglalabas ng hinaing tuwing Pasik. Siguro dahil wala naman talagang ganitong moda ang Pasik supposedly, display-display lang ng mga pinaghirapang lanterns, kaya naman ang swarm ng visual stimuli ay madaling nalalangkapan, pwede rin, although unlikely, natatabunan ng auditory improvisation para sabihing and Edukasyon ay karapatan o ang Iskolar ng Bayan ay lumalaban.

Hindi naman ito problema. Wala namang nagbabawal sa mga aktibista na sumigaw ng mga ganito ‘pag Pasik, lalo pag nasa kalsada na mula Session Road hanggang Harrison. Dahil dito, kumakapal ang ibig sabihin ng “pagpapasiklab.” Yung mga litanya na usually naririnig sa mga protest rally kasama ng mga streamers o placards, buhay na buhay rin – throbbing pa nga – sa isang seemingly pretty at ‘innocent’ na Lantern Parade kasama ng mga naglalakihang Christmas designs na ginawa ng UP Baguio community.

At hindi ba akmang-akma ito sa stereotype ng mga taga-UP bilang maiingay? – na syempre, as with all stereotypes, sobra ang pagsi-simplify kaya ang daming naba-bypass na anggulo at kasaysayan. Pero at the same time na seemingly nagre-reinforce ng stereotype, i.e mga taga-UP bilang ngawngaw ng ngawngaw, ang pagsisigaw sa kalsada sa gitna ng Lantern Parade ay pagbabaka rin sa mismong stereotype at enactment ng pagkakaiba. Dahil sa mga pagsisigaw-sigaw na ito, hindi nagmumukhang passive na promotion lamang ng sarili – UP community at mga parol na gawa nito — o ng sityong ginagalawan nito – super-saya, super glittery na Pasko sa Baguio, yehey – ang Lantern Parade. Hindi lang prettified. Sa pagsisigaw-sigaw sa Lantern Parade, naipapadaloy at na-eenact ang pagiging aktibo, pagiging maingay-mapang-udyok ng mga proclaimed na Iskolar ng Bayan. Cute pa nga ang move dahil pwedeng ‘off’ ito sa iilang makakakita. Ang gaganda ng lanterns tas biglang may sumisigaw ng Edukasyon budget dagdagan? Good vibes, fairy-tale-ish, let-us-all-hold-hands na sana ang feel kaso biglang may magsasabing Lumaban? At narito mismo ang lakas ng act na ito ng pagsigaw-sigaw ng iba’t-ibang calls: sa pagiging “off” nito, binabasag ang ideyal – once more, prettifying — na pagbasa sa Lantern Parade, na kesyo ang Lantern Parade ay display lang ng school pride, willing participation lang ng school o institution sa larger project ng Baguio tuwing Pasko. But the Lantern Parade goes beyond these. Inaangkin nito ang opportunity para mag-moda-moda ng school pride, ipakita na lumalahok ito sa community affairs (hindi snob!), pero nagagamit rin ang opportunity para itampok ang sarili nito sa mga pamamaraang likely di gaanong inaaasahan ng outside community: nagsisisigaw, nananawagan sa iba’t-ibang isyu, nag-eenact ng postures ng paglaban.

Ina-idealize ko ba ang pag-o-occupy ng kalsada kahit 30 minutes at pagsisigaw-sigaw dito? Naku, sana naman hindi. Kailangang maging maingat sa ganitong tendency. (Marahil epekto ito both ng unting nostalgia – mula nang grumaduate, di na ako nakisali sa Lantern parade – at ng sort of revived na heartbeat para sa pagpapawis-aktibista.) Kahapon lang din, sumali ako sa isang martsa-rali after halos 18 months – ang huli ay sa Commonwealth noong SONA last year – kaya naman naranasan muling mapabilang sa collective act ng pag-angkin ng pampublikong espasyo para mag-forward ng interes. Syemps, maraming sigaw-sigaw dun, pero maraming-maraming-marami pang iba. Culmination lang naman ang martsa kahapon para sa paggunita ng International Human Rights Day. Para sa mga tumitingin sa labas, madaling makita ang mga martsa bilang martsa lang – and most of the negative connotation ng pag-iingay etcetera – at natatabunan ang lahat ng social causes ng pagmamartsa at ang extended na paghahanda para dito. Hindi naman madaling ipakita sa pagsisigaw-sigaw nang thirty minutes sa kalsada ang mga pinaslang o dinukot na kakilala, kaibigan o kapatid na nagpapalabas ng litid sa mga leeg tuwing martsa. Ang punto: maraming mga iba pang gawain, impetus o layunin kung saan nakadugtong-dumudugtong lang din ang pagmamartsa. Madalas, ang pagbibigay-linaw sa complexities na ito ay nagagawa sa labas na ng martsa mismo. Ang pagkilos at pagbuo ng mga tindig ay walang-humpay.

IMG_7974.JPG
Martsa para sa paggunita sa International Human Rights Day kahapon sa Baguio City (Kuha ito ni Jesa)

 

Sa martsa, di mo kakilala yung iba mong kasama pero pwedeng may vague connection ka na maramdaman, feeling mo pareho kayo ng tinatanaw, pareho kayo ng pinagpapaguran. Pero mas ito yung idealized na pagtingin. Feeling mo collective mass kayo in the sense na singular at undifferentiated, pero di naman. Di naman exactly unproductive ang ganitong recognition. Baka nga dito pa magmula ang mga productive na pagtatalo at pag-uusap. Pwede namang mag-settle sa kahit littlest na pretty things: okey na yung andun ka, kahit medyo loss, di sumisigaw pero groping kahit papano, medyo di lumulubay. Darating din ang fortification ng sense of belonging at tiwala sa kabuuan ng isang community na nagmamartsa, isang community na nag-iiwan ng mga marka at sigaw sa lansangan – among other venues.

Sa Lantern Parade, iisa ang ruta ng mga tao, lahat kasapi ng “UP community.” Ine-enact din ng community ang pagiging community nito. Pwedeng makisigaw sa “Iskolar ng Bayan, ngayon ay lumalaban,” pwede rin namang makisuporta sa paghawak ng malalaking lanterns. Sa manifestation ng ganitong seeming ‘rifts,’ kawalan ng kaisahan – may mga sumisigaw, may chill lang– nama-manifest ang agency na ina-afford ng – o agency na ine-enact sa — structure ng community. In that case, microcosmic ang Lantern Parade ng mas malalakihan o panlipunang galawan, the same way as microcosmic ang katawan mo at katawan ko ng galactic-cosmic na scenarios. Ang Lantern Parade ay oportunidad para mag-iwan ng bakas sa lansangan bilang myembro ng UP “community.” May mga nag-iiwan ng feel-good na mga ngiti, awed reactions sa mga lanterns nearby; meron din namang nag-iiwan ng astuteness at collective wits, sumisigaw na dagdagan ang budget sa edukasyon, implicitly itinuturong seasonal lang ang fascination natin sa in-motion kinang ng Christmas lights, habang may mga pangangailangan-karapatang lagi’t-laging andyan, lagi’t-laging dapat bantayan, hindi lang nginigitian from afar.

Advertisements

Prick my mind:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s