What bridges Lorca and Camus and Tony Perez


vlcsnap-2017-02-15-18h43m27s32

Ang karugtong ng nasa larawan, ang warning ni Lorca ay “life is not a dream,” at sasabihin ng nagsasalita, Beware- and- beware- and- beware.

Ngunit ang mahalaga sa ngayon ay ang bridge, ang tulay kung saan daw naghudyat ng isang babala si Lorca.

Sa existential na kalungkutan ni Camus, lunsaran lang ang tulay upang magpanukala ng isang sentral na dilemma: “Till tomorrow, then, monsieur et cher compatriote. No, you will easily find your way now: I’ll leave you near this bridge. I never cross a bridge at night. It’s the result of a vow. Suppose, after all, that someone should jump in the water. One of two things—either you do likewise to fish him out and, in cold weather, you run a great risk! Or you forsake him there and suppressed dives sometimes leave one strangely aching. Good night.” Sa dulo ng pagmumuni-muni na ibinigay ng maikling nobelang The Fall, mapapalitan ng pansariling digmaan ang naunang kawalan ng pakialam: “O young woman, throw yourself into the water again so that I may a second time have the chance of saving both of us!”

Ang pagkahulog ng babae ay pagkahulog rin ng pangunahing tauhan: pisikal sa una, moral sa huli. Ang tulay bilang imahen ng transisyon, kaagapay ng pagkilos at pag-usad dahil nagdurugtong sa mga dating-magkalayo, nagdurugtong sa magkahiwalay. Ngunit tingnan ang tulay hindi lang sa mas lohikal na horizontal na pamamaraan kung hindi pati na rin vertically. Ang nasa ilalim ng tulay ay tubig, kadalasan. Ito ba ang tubig ng kasaganahan, o tubig na nakakalason, nakamamatay? In other words, saan nakatuntong ang tulay? Ano ang sinakripisyo para maitayo ito?

Sa pagkahulog sa katubigan na tinutuntugan ngunit dinidistansyahan rin ng tulay, sino ang kumakain kanino? Ang tao ba ang bumubuka ng bibig tulad ng ginagawa ng adventurers ‘pag naliligo sa waterfalls o ang tubig ang kumakain sa munting piraso ng buto, laman, kalamnan, utak at puso?

Sa “Diego Silangcruz” ni Tony Perez, ang ilog ang kumain, ang bumuka ng bibig, ang nanglaklak. Binugbog ang karakter na si Cruz nang dumalaw sa opisina at nalamang tapos na ang kontrata niya – mainly dahil tinangka nilang kalabanin ang pamunuan – hindi niya nakuha ang severance pay, masikip at mabaho ang sinakyan niyang bus pa-Guadalupe, at pag-uwi sa bahay at natulog, paggising niya’y “saglit siyang nagsisi kung bakit pa siya nagising.”

Kinain na siya ng kawalang-latoy at kawalang-pag-asa sa abang buhay. Lumabas siya at naglakad, “nagpasikot-sikot. Tumigil siya sa gitna ng tulay: pinagmasdan ang madilim na tubig, at doon nakita ang sinag ng araw, apoy na kaylawak at naglilikha ng sanlaksang isdang apoy, dambuhalang aninag na nagtaas ng braso’t nakahahalina. Inakyat niya ang barandilya upang salubungin ang liwanag. Nilaklak siya ng Ilog Pasig.”

Kinakain ang labas, binubukbok ang loob ng tao at ang tulay ay kay lumbay, kay lumbay, tinatalon para mabuhay, tinatalon para mamatay.

Hindi sapat na sabihing “Beware.” Kailangang pagnilayan: saan, sa alin o kanino ako mag-iingat?

 

 

Advertisements

Prick my mind:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s