Grabe, pamagat pa lang ng koleksyon, ambigat na ng Sapagkat Panggap na Mulat ang Magsiwalat ng Lahat nila Prolet at Nica Dani. May pagdaplis sa “Anong salita kaya ang magsasaad ng lahatlahat” sa tulang “Papuri” ni Edel Garcellano. Ewan, para sa akin, hindi ‘to bigat na nakaka-intimidate; bigat tong nangangako ng something—talas siguro ng pagtingin, katatasan siguro ng pag-amin.

IMG_6253
Zine ni Prolet at Nica Dani

Delightfully surprising ang “The 190th Word Matters.” Napukaw sa affinity nito sa disiplina ng Oulipo. May 19 na unit/linya ang tula: ang unang linya ay may labing-siyam na salita, ang susunod ay may labing-walo, ang susunod ay may labing-pito hanggang umabot ito sa linyang isa lang ang salita—ang dulo ng tula. Naghahanap ako ng sandali ng pag-utal; pero wala akong nakita. Binalikan ko ang sinabi ni Jacques Roubaud sa “Mathematics in the Method of Raymond Queneau”: the gesture of freedom will lead to stuttering.” Kung susundan ito, ang nauutal ay siyang malayang walang sinusundan, hindi yung ginamit ang laya upang piliin kung ano ang sasagka sa kanya. Ito ang simpleng ideya mula sa Oulipo na bumighani sa akin: ang pagpapaloob ng proseso ng pagsulat sa isang uri ng constraint, kundiman formula. Sa “The 190th Word Matters,” simple lang ang formula: (x # of lines), (x-1 # of lines), (x-2 # of lines) and so on; gumawa ng tulang paunti nang paunti ang salita kada linya.

Sa isang hiwalay na sanaysay, binanggit ni Marcel Benabou ang pagpapalaya sa “significatory obligation” ng wika na kaakibat ang pagtingin dito bilang “object in itself”—hindi na lang tool sa pagpapahayag. Hindi ko binabasa ang sinabi ni Benabou bilang pagtakwil sa kapangyarihan ng wikang magsalita, magpahayag. Ang pagpapatali sa isang constraint ay di katumbas ng pagkawala ng pahayag. Magandang halimbawa ang “The 190th.” Kasabay ng pag-approximate sa matematikal na moda ng pagtula ang pagpapasaring sa sistema ng edukasyon, sa sistema ng pagbuo ng kaalaman: “All books in the shelves seemed untouched/ Because all books has a price./ Education is like a toll./ At ang huling salita sa tula (ang 190th word sa pamagat) ay makahulugan sa ‘di lang iisang paraan: (1) sa naratibo ng tula: “You can only either/ Pay for it/ or else/ Discontinue.” (2) sa mas malawak na simbolismo: ang “discontinue” ay panawagan sa pagmumuni, paghinto upang tantyahin ang lagay ng mga bagay.

Advert-like ang dating ng tulang “Birtuwal”—mas tapat nga lang, kundiman brutal. “Ipinaglalapit/ Tayo sa malayo/ Na paraan. Ipinaglalayo/ Tayo sa malapit/ Na paraan.” May pagkambyo rin sa “Ama natin” na magsisimula at magtatapos sa tanong: “Hesus Kristo puwede po ba nating/ baligtarin ang sitwasyon… Pero kailan mo/ako kakailanganin?” Sa pagtatapos ng tula, nahaharaya ko si Hesus, nagkatawang-hangin, hinihigop ng dagat.

Naririnig kong nagra-rap ang “110816.” “Nararamdaman ko ang pagbunot ng mga aking kuko/ nararamdaman ko ang pagbunot sa mga/ ngipin ko.” Maingay tong tula, hindi tameme ang mata, hindi inaantok ang bisig. Kahit madilim ang kinukwento, “naririnig…ang alulong ng mga ulong/ pinasusubo ng mga bubog.” Dahil nagmamatyag ang tula, “naamoy [nito[ ang mga tuyong dugo sa nakapalupot na tela… ang usok ng mga pulbura…ang nakakulob na gasolina.” Pinapalasa sa’yo ng tula ang “dugo sa…laway,” ang “nanlilimahid na nangangalawang na tubo.” Binabalita nito ang pagbabagong dumating; naririnig ko ang tula na hindi lang nagra-rap, naririnig ko itong yumayakap sa galit. Nararamdaman kong alam nito kung sa’n nagmumula ang galit; may pag-proseso na sa emosyon.

Muli: kabalintuan sa “Tweet.” Binabalewala dahil talamak na ‘atang irony. Habang kapiling ng patay nang si Will ang mga langaw—ang isa pa nga “flew inside Will’s nose and never came back out while most of them were glued on the hole in his chest”—nag-tweet naman ang kaibigan nito on “how ridiculous extra judicial killings are and how we need to wake up and resist these kinds of discord.” Sakto, ilang metro papalapit sa nakahandusay na buhay ng kaibigan, naamoy ng kaibigan ang “putrid scent coming from the dark alley way,” ang hulinh amoy-regalo ng kanyang kaibigan. Nga lang, hindi niya tuluyang makikita si Will dahil sa tunog ng isang Twitter notification. Inagaw ng social media platforms hindi lang ang atensyon ng tauhan kung hindi pati ang moda natin ng paghihimutok at pagkundena sa mga bulok na kaganapan.

Sa “Gatilyo,” napag-ugnay, kundiman napag-isa ang pagpatay sa ama at sa anak na namundok. Maririnig muli sa background ang “101816,” “pinatatahimik ang mga nagsasalita.”

Juvenile na daldal sa panulaan sa Baguio ang pagiging hugot-heavy ng mga piyesa. May related daldal ako dito years ago. Kelangang lumampas sa ganitong pagpuna tungo sa pagpansin sa mga ibang praktika, kundiman pagsasagawa mismo ng iba. Mahirap ‘di maagaw ang atensyon sa mukha ng maangas na Duterte sa harap ng isang poetry zine—panggap na mulat, tinatapatan ng mga tulang sumusugat.

Advertisements